HOW TO GET A DEBIT / PREPAID MASTERCARD UNDER 30 MINUTES FOR ONLINE OR OFFLINE TRANSACTION WITH METROBANK PREPAID MASTERCARD

Naghahanap ka ba ng Debit (Prepaid) Card na pwede mong gamitin para sa Online Transactions?

Yung card na pwede gamitin for Online Shopping? Yung card na pwedeng-pwede mo link mo sa Paypal?

Yung card na minimum lang ang requirement at napaka bilis lang makuha?

Last week, nagka problem ako sa isang Debit Card ko na naka link Paypal Account ko.

Dahil biglang nagdeduct yung annual fee ng card ay nagkulang ang dapat kong bayaran sa isang Online Transaction (nakalimutan ko kasi LOLS). Kaya hindi ko na yun magamit sa Paypal ko. Nagka balance ako 40 Pesos dun sa isang Online Service ng isang website na madalas kong gamitin. Kahit na nagdeposit pa ulit ako sa card ay ayaw na tanggapin ng Paypal dahil sa previous transaction.

Kaya ang solusyon na naisip ko ay maghanap ulit ng bagong debit (prepaid) card na either “Visa” o “Mastercard” para pwedeng gamitin sa Online Transactions na pang International.

Isang hapon, nag scout ako ng mga banks kung saan may similar sa “ EON Card ” ng Unionbank na matagal ko ng ginagamit. isang kilalang bank na unang pinuntahan ko. Nag require sila ng P2,000.00 para makapag open ng “Visa” Debit Card. Noong nagtanong ako ng cheaper alternative ang sabi pa nila…

Hindi pwede sa Online Transaction yung  P200.00 Debit card nila.

Possibly dahil hindi yun “VISA” o “Mastercard”. Kaya lumabas na ako at nag hanap ng ibang bangko. Ang target ko talaga ay yung bank na kalat ang branches sa buong Pilipinas. Kaya naghanap ulit ako ng “sikat” bangko.

Sa hindi kalayuan, nakita ko ang Metrobank. Kaya nag park ako sa tapat nila at pumasok. Paglapit ko sa table para sa “New Accounts” binati ako ni Miss Rogie Ann (with a very friendly smile). First impression ko agad na mas mabait ang mga employees dito.

Metrobank, Zamboanga Canelar Branch

Metrobank, Zamboanga Canelar Branch

Di katulad sa naunang pinuntahan ko mas friendlier nga si Miss Rogie Ann at may intent talagang makinig.

Kaya sinumalan kong magtanong sa kanya about sa Card na kailangan ko. Kaya dinuscuss nya sa akin ang kanilang “Prepaid Card” na “Mastercard” na rin na halagang P100 lang. Ang purpose ko talaga noong araw na yun ay mag inquire lang pero noong nakita namin na may sapat akong documents para maprocess ang appilication ko para sa card (Buti nadala ko yung old Philhealth Card ko sa dati kong work).

Nag fill up na ako sabay sa tanong kay Miss Rogie Ann sa mga iilan dun sa form na hindi ko masyadong maintindihan. At pagkatapos kong maibigay ang 2 Valid ID, natapos ang form, at may pinirmahan na isang (parang index) card. Tinanong ko sa kanya.

“Miss, kailan ko pwedeng makuha ang card ko?”

At nagulat talaga ako sa sinagot nya!

“Hintayin nyo lang Sir at makukuha nyo rin ngayon.”

Bakit ako nagulat?

Dahil sa ibang banks aabutin ng 5 banking days bago marelease ang card. Ibig sabihin nun hindi pa bilang ang Sabado at Linggo. Kaya ang totoo one week aabutin. In short, babalik ka pa ulit after one week. Hassle dba?

Namangha ako sa bilis service nila. In less than 30 Minutes na pumasok ako doon ay na release din kaagad. Paulit ulit ko pa na mention kay Miss Rogie Ann na “Grabe! Ang bilis talaga ninyo dito. Di ko talaga inexpect.”

Noong inabot na sa akin ang card next na tinanong ko:

“Miss, kailan ko pwedeng magamit ito?”

Tinanong ko yun dahil sa experience ko ay may 24-hours bago maging active ang card. Ang sagot nya sa akin.

“Magagamit nyo na yan Sir ngayon mismo.”

Kaya lalo pa akong natuwa. Dahil mas mabilis ko rin ma solusyonan ang problema ko.

Next kong tinanong:

“Paano iregister ang bago kong card sa Online Banking?”

Sa isang papel sinulat ni Miss Rogie Ann ang website kung saan ako mag punta then step-by-step tinuro nya ang process na gagawin ko sa website na yun. Tuwang-tuwa akong nagpasalamat at nagpaalam. Pumunta kaagad ako sa ATM Machine at pinalitan ang PIN ng card at umuwi na.

Pagdating sa bahay kaagad kong binuksan ang computer at sinunod ko lang ang instruction na sinulat sa isang pirasong papel. Tapos nag-register kaagad ako sa website. Pagkatapos ko maconfirm sa email at sa phone ko naging active din ito kaagad sa Online Banking.

Then, ni- link ko kaagad ang bagong Metrobank Prepaid Mastercard ko sa Paypal account ko. Gamit yung initial na dineposit ko na sinabay ko sa pag-apply ko dun sa card. Nabayaran ko yun pending payment at mula noon naging maayos na ulit ang pag gamit ko sa services ng particular website na kung saan nagkaroon ako ng balanse.

Heto ang karagdagang information tungkol sa tinutukoy kong card.

Metrobank Prepaid Mastercard

Sample Metrobank Prepaid MasterCard

Sample Metrobank Prepaid MasterCard

Benefits

Convenience

Cashless shopping and dining convenience in over 30.2 million MasterCard-affliated merchancts worldwide

Safety

Your Prepaid Card is not linked to any savings/checking account, therefore minimizing the risk of exposure to skimming and other card scams

Ease of Use

Easy funds replenishment via Metrobank’s Direct Banking Channels – Metrobankdirect Online Banking, Mobile Banking via Metrobank Mobile App, Phone Banking, and ATM Wide Coverage.

Access your funds locally from over 1,400 Metrobank ATMs or through BancNet or MegaLink ATMs; or internationally* from 1.9 million MasterCard/Maestro/Cirrus ATMs in over 210 countries

*For international use, just request your branch of account to activate the service

Requirements

• One (1) valid ID

• Accomplished application form

• P100 Welcome Kit fee (Standard Prepaid Card)

NOTE: Branches may request for additional documents during account opening. ( I suggest bring 2 valid ID )

Fees

• 100 Pesos for the card (as mentioned above in the requirements)

• 25 Pesos Fee for Over the Counter Deposit

• No Annual Fee

• No Maintaining Balance

 

For Offline Purchases

1. Make sure your card or account is properly funded for your purchase

2. Visit a MasterCard-accredited merchant

3. Present the Metrobank Prepaid MasterCard for payment of the product or service to be purchased

4. Sign the transaction slip presented to complete the transaction 5. Keep your Metrobank Prepaid MasterCard and the customer’s copy of the transaction slip.

DISCLAIMER

Hindi ako employee or whatsoever endorser ng Metrobank. Sinulat ko ang post na ito dahil makakatulong din ito sa iba na naghahanap ng Debit o Prepaid Card na maari nilang gamitin para sa Online Payment o ibang Online Transactions na mabilis lang nilang makukuha.

Di ko rin ma assure na lahat ng branches ng Metrobank ay ganito din kabilis umaksyon (Less Than 30 Minutes) sa pangangailangan ng mga clients nila. Kailangan na lang talaga subukan para talagang malaman.

I’m just also very grateful sa very friendly and attentive employees ng Metrobank, Canelar Branch lalo na kay Miss Rogie Ann for assisting me. Kaya para sa ‘kin I give them my “Two Thumbs Up” kaya recommended ko rin ito sa mga friends at readers ko dito sa Blog.

Ginagamit ko pa rin ang EON Card ko ng Unionbank at ina assist nila ako ngayon para sa replacement ng previous card ko na pwedeng kong magamit ulit.

May experience ka na rin ba sa service ng Metrobank? May other banks ka bang alam na ganito din kabilis ang serbisyo? Meron ka bang masi share na info bukod pa sa nailagay ko ditto? FEEL FREE to type it in the Comment Section below.

Again I’ll be leaving you this message…

“Never Stop Learning,

Never Stop Earning.”

 

– Patrick John S. Maninang

About The Author

Related Posts

Leave a Reply